Lunes, Enero 30, 2012

Dokumentasyon - Istilong Patentetikal

DOKUMENTASYON:ISTILONG PARENTETIKAL
http://wennchubz.blogspot.com

       Isang mahalagang pangangailangan sa pananaliksik ang maingat na pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na ideaya,datos o impormasyon.
       Hailan din kung bakit kailangang mabatid at magamit ng sinumang mananaliksik ang iba’t ibang paraaan ng pagkilala sa mga ginamit na hanuan sa pagsulatng pamanahong-papel.
KAHALAGAHAN AT TUNGKULIN NG DOKUMENTASYON
       and dokumentasyon ay gumaganap ng mahalagang tungkuln sa isang papel pampananaliksik.
       nagbibigay din ito ng krebilidad sa mga datos o impormasyon na kanyang ginagamit.
       nagiging lubos na kapani-paniwala ang mga datos o impormasyon iyon kung binabanggit ng mananaliksik ang awtor.
ISTILONG A.P.A
NOON
       ang footnoting o paggamit ng talababa ang pinakagamitin paraan ng dokumentasyon ng mga pananaliksik.
NGAYON
       iminungkahi ng american psychological(a.p.a) o ng modern language association(M.L.A)
       talang parentetikal(parenthetical citation)-na higit na simple at madalng gawin kaysa sa footnote.
       nagagawa rin nitong tuloy-tuloy and daloy ng teksto sa pagbabasa.
       kung sa m.l.a,ang pangalan(apelyido)ng awtor at bilang ng pahina (ng akda kung saan matatagpuan ang ideya,datos o infomasyon hiniram) ang inilagay sa lob ng parentesis.
       iba naman sa A.P.A
       narito ang mga pangkalahatang tuntunin sa paggamit  ng dokumentasyon sa istilong A.P.A.
SA ISTILONG A.P.A
A. kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto,taon na lamang ng puliikasyon ang isulat sa loob ng parentesis.
halimbawa:
      Ayon kay Nunan(1977), mahala ang pagkakaroon ng wika 
Kung si Nunan ay may ko-awtor(dalawa o higit pa),kailangang may et al.
HAL:
        Ayon kay Nunan,et al.(1977), mahala ang pagkakaroon ng wika 
b. kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa hulihan ng pangungusap kasama ang taon ng publikasyon. pahiwalayin ang dalawang entris sa loob ng parentesis sa pamamagitan ng kuwit.
halimbawa:
Ang lingua franca ay ang wikang ginagamit ng mga taong may iba’t ibang katutubobg wikw upang sila’y magkaunawaan(Wardaugh,1986).
C. kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon
halimbawa:
    Ngunit iilan lamang ang ngkakaroon na pagkakataong kumuha ng kursong sa pakikinig (Seiler at Beall,2002).
D.kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing  awtor sa mismong teksto,banngitin na lamang ang unang awtor sa lob ng parentesis at sundan ng et al. bago ang taon ng publikasyon.
Halimbawa:
Ang wika ay napakahalagang instrument sa pakikipagkomunikasyon (Bernales,et al.,2001).
E. Kung  may babangiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apelyido,banggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang kanikaniyang apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.
Halimbawa:
Ang komunikasyon ay isang proseso na napapalooban ng maraming proseso(E.Trece at J.W.Trece,Jr.,1977).
F. Kung pamagat lamang ang aveylabol na informasyon,banggitin ang pinakamaiikling versyon ng pamagat at sundan ng yaon ng publikasyon.ipaloob ang pinaikling pamagat sa panipi o di kaya’y iitalizado ang tipo ng font.
Halimbawa:
Ang bawat paaralan aymay kanya-kanyang patakaran para sa kanilang mga mag-aaral(CSB Student Handbook,1996).
O kaya’y
Ang bawat paaralan aymay kanya-kanyang patakaran para sa kanilang mga mag-aaral (“CSB Student Handbook”,1996)
G.kung babanggitin ay bahagi ng akda may higit sa isang volyum, banggitin ang bilang ng volyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga ator, ngunit tutuldok(;) ang gamitin bantas upang paghiwalayin ang unang entri sa taon ng publikasyon.
Halimbawa:
Ang wika ay napakahalagang instrument sa pakikipagkomunikasyon  (Bernales 4: 2004)
H.kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banngitin na lamang ang mga akda at palliin hangga’t maari. Ipaloob sa panipi o iitalizado ang mga pamagat.
Halimbawa:
                Sa mga aklat ni Bernales(“Sining ng Pakikipagtalastasan” at “Mabisang Komunikasyon”), nabanggit na ang wika ay napakahalagang instrument sa pakikipagkomunikasyon.

DAPAT  TANDAAN
Inilalagay ang talang parentetikal pagkatapos ng salita o ideya hiniram at ito’y ipinopposisyon bago ang bantas sa loob p katapusan ng pahayag maging iyon man ay tuldok(.),tandang panananong(?),padamdam(!),kuwit(,),tutuldok(:),tuldok kuwit(;),tuldok-tuldok(…),o panipi(“..”).maliban sa tuntunin g, laging kuwit ang ginagamit na bantas sa paghihiwalay ng mga entris sa loob ng parentesis.